Ang larong ''BASKETBALL"
Ang
basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa na
sinusubukan makapuntos sa pamamagitan ng paghagis ng isang bola sa isang net
(ang basket) sa ilalim ng mga organisang mga patakaran.
Simula
naimbento ang laro sa Springfield, Massachusetts sa Estados Unidos noong 1891, sumulong ito
bilang isang tunay na pandaigdigang palakasan. Nagsimula ang mga organisadong
paliga sa YMCA nabuo ang mga naunang
liga sa mga kolehiyo. Sa kalaunan, naging palakasang propesyonal ang basketbol.
Kahit na isang pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at
makikita ang mga kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo.
Dumako naman tayo dito sa ating bansang pilipinas. Ang Philippine
Basketball Association (Filipino: Kapisanang Basketbol ng Pilipinas) ay
isang propesyunal na liga ng basketbol sa Pilipinas na
nagsimula noong 1975. Ang PBA ang pinakamatandang propesyonal na liga ng basketbol sa Asya at pangalawang
pinakamatandang propesyunal na liga ng basketbol sa mundo, matapos ang National Basketball Association ng Estados Unidos. Itinulad ang mga patakaran nito doon sa FIBA at
National Basketball Association.
Ang unang laro
ng liga ay ginawa sa Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon noong Abril 9, 1975. Ang tanggapan ng liga ay
matatagpuan sa
Eastwood City, Libis, Lungsod Quezon . Ang liga ay na ngayon ay pinangungunahan ni
Komisyonado Chito Salud.
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.